You are currently viewing 164 units na apartment type tomb o Balabag ang ngayon ay nakahanda nang mapaglibingan.

164 units na apartment type tomb o Balabag ang ngayon ay nakahanda nang mapaglibingan.

06 June 2023
Bilang pagtupad sa pangako ni Mayor MMO na tugunan ang problema sa kakulangan ng mapaglalagakan ng mga namayapang mahal sa buhay ng mga taga-Urbiztondo, 164 units na apartment type tomb o Balabag ang ngayon ay nakahanda nang mapaglibingan. Karagdagan sa pangunahing infrastructure project na ito ay ang expansion bilang pagsasaayos ng kabuuan ng Urbiztondo Public Cemetery.
Sa kasalukuyan meron na itong Canopy Shed sa gitna ng sementeryo at Covered Sidewalk/Parking Space para may masilungan ang mga nakikipaglibing. Nito lamang ay ininstilahan na din ng Solar Powered Lights ang kahabaan ng MH Del Pilar St na bahagi ng sementeryo upang panatag na makadaan dis-oras man gabi ang mga motorista papunta ng mga Brgy. Real, Angatel, Camanbugan, Baug Pisuac at Galarin.

Leave a Reply