Mainit na tinanggap ng butihing Mayor MMO ang pagbisita ng mga kawani ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office

13 April 2023
Mainit na tinanggap ng butihing Mayor MMO ang pagbisita ng mga kawani ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office sa pangunguna ni Ms. Maria Luisa Amor- Elduayan, PTCAO Officer sa kanyang opisina ngayong araw. Sinundan ito ng site visit at validation sa JNS Catfish Processing Plant dito sa Brgy. Bayaoas bilang bahagi ng programang panturismo ng Pangasinan Provincial Government.
Inaasahan na sa programang panturismo na ito mabibigyan ng pagkakataon ang Bayan ng Urbiztondo sa pamamagitan ng JNS Catfish Processing Plant na maging bahagi ng Pangasinan’ s Rich Culinary Heritage.

Leave a Reply