BRAND NEW DUMP TRUCK NA PINANGASIWAAN NI REV. FR. KRISTOFFER ALLAN SORIANO NG SAINT PIUS V PARISH

17 April 2023
Kasabay ng isinagawang Regular Monday Flag Raising Ceremony sa araw na ito ay ang pagbabasbas ng newly acquired brand new Dump Truck na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Kristoffer Allan Soriano ng Saint Pius V Parish. Ito ay sa inisyatibo ng butihing Mayor MMO na sinaksihan ng Sangguniang Bayan Council, NGAs personnel at mga empleyado ng LGU Urbiztondo.
Ang nasabing dump truck ay isa lamang sa mga sasakyan na nakahanay sa mga proyekto ng LGU Urbiztondo sa ilalim ng Administrasyon Pasimbalo Urbiztondo na naglalayong mapagaan ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng maayos na transportasyon.
Pinangunahan naman ng PNP Urbiztondo ang naturang Regular Monday Flag Raising Ceremony kung saan naibahagi ni PMaj. Allan DC Abuan ang kanilang pinakahuling accomplishment sa larangan ng peace and order, crime prevention at Community Services.

Leave a Reply